Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Cosefa Desgraciada By Carlo Joseph Reglos

COSEFA DESGRACIADA
By Carlo Joseph Reglos

nagpunit ang luha
sa ilalim ng tubig
mga langgam na lulubiglubig
nagsilang ang araw
niyakap ng dilim
Dalagang mahalina at mabunyi
maylinis ang puso at kaibuturang unera
Cosefa! Dalaga ng kailalimang bayan;
sinubok ng bayan; naglakbay
buhay mo'y nasira't nasayang
alimarihing tunay
kababaihang inialay
sa ilalim ng rilim ng pag-ibig
ibig nga ba ng puso o nasa lamang?
Cosefa! Babae ng tunay na henerasyon
niyaya ng dilim
tuluyang umilalim
ano na lamang ang sambit
ng mga kadugong di karamay
mga patak ng luha
sa ilalim ng unan
ay tila naglaho na;
tinuyo ng panahon:
kinalimutan.
ang relasyon at koneksyon
Tinakwil!
Cosefa! Panaho'y maaga pa
pagputok ng hangin ay hayaan muna
Alalahanin ang dakilang payo
na ang kababaihan sumuko
kapag hinog na ang aratilis
sa bintana ng kahapon.

Painting
"Twice I turn my back on you"
By Hannah Ilczyszyn

Post a Comment

0 Comments