By Carlo Joseph S. Reglos
Ang mga berdeng kabundukan, mga magagandang talon, matatayog at malalagong kagubatan at ang mga taong nakitira rito ang siyang nagsisilbing kayamanan ng probinsiya ng Nueva Vizcaya.
Marahil ay hindi gaanong pansin ang kagandahan ng probinsiyang ito at laging napagkakamalang Nueva Ecija. Ngunit kung ikaw ay magagawi sa probinsiyang ito, mabibighani ka sa mga natatago nitong kayamanan.
Sa higit limang taon kong pamamalagi sa Nueva Vizcaya ay aking napagtanto na hindi lamang ito gateway to Cagayan Valley kundi isa rin itong breeding ground of competent professionals dahil na rin sa mga napakaraming dekalidad na paalaran rito. Kilala rin ang probinsiyang ito sa mga produktong agrukultura na siyang pangunahing pangkabuhayan ng mga tao rito. Mayaman ang lupa ng Nueva Vizcaya kaya naman ito ang isa sa mga suppliers ng mga gulay at prutas sa bansa.
Habang ako ay nasa biyahe pauwi ng aking probinsiyang Isabela ay nagbalik ang mga masasayang pangyayari na aking naranasan. Hindi ko lubos maisip na tapos na ang limang taon na pamamalagi ko rito. Napakarami kong mga alaalang sa puso at isip na lamang mababalikan. Tumawa, lumuha, nalungkot, napalundag, nagmahal, natakot – ilan lamang sa mga aking mga karanasan sa probinsiyang Nueva Vizcaya.
Nakakalungkot isipin na ako’y lilisan na rito at ang pinakamahirap iwan ay ang mga kaklase, mga guro, at mga kaibigan na siyang naging kasama’t karamay sa loob ng limang taon. Hindi matatawaran ang aking pagpapasalamat sa kanila dahil lalong mas naging makulay ang panahon ko rito.
Sa ngayon, hindi ko pa alam kung kailan muli ang aking pagbalik sa probinsiyang ito. Tanging panahon na lamang ang makapagsasabi ika nga ng ilan. Ngunit ang aking hiling ay sana magkatagpo muli ang mga landas naming ng mga taong aking pinapahalagahan – mga kaklase, kaibigan.
Sabi nila, “If you leave a place, you’re actually leaving a piece of your heart unknowingly”, marahil ay hindi nga natin makakalimutan ang mga lugar at taong napuntahan at nakilala natin dahil maging parte na ito ng buhay natin at tayo’y naging parte na rin ng buhay nila. At itong mga lugar, tao, at mga karanasan na ito ay siyang magsisilbing ating inspirasyon sa pagpatuloy sa buhay.
Bilang pagbibigay pugay at pasasalamat, ang tulang ito ay alay ko sa Probinsiya ng Nueva Vizcaya.
Vizcaya
by Carlo Joseph S. Reglos
sunny skies and mountains –
the sweet mists on the air
kissing my cheeks as I gulp
my steaming hot cup of espresso
the chirp tweets of the birds
on the top of damortis tree
is music to my hearing
joined by the bees, an orchestra indeed
withered lands - lifeless so
but there is Magat a long lost hope
once rich again; life will arise
as long as the nuang moos, we're all right
Oh Vizcaya, my beloved and dearest
fruits of the soil are sweats of the ancestors;
but your land and beauty is of no substance
if kept unguarded and taken for granted
0 Comments