Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Ako Nalang Ulit by Marie Faith Andrea Credo

AKO NALANG ULIT
by Marie Faith Andrea Credo

Pwede bang ako nalang
Ako nalang ulit? 
Oo kasalanan ko
Oo na, sobrang sakit

"Paalam" sabi ko
"Huwag" iyong tugon
Dinig ko pag-iyak mo
Mula sa telepono

Dumating mga araw 
Akala ko okey na
Kinausap ko ang sarili
"Bakit parang sinayang kita?"

Babalik na dapat
Ibabalik ang nakaraan
Ngunit nakita ko
Kaya mo pala akong palitan

Pwede bang ako nalang
Ako nalang ulit?
Katawag mo sa telepono
Yung lagi mong kinukulit

Pwede bang ako nalang
Ako nalang ulit? 
Yung sinasabihan mo ng "mahal kita"
At "lagi kang mag-iingat a?"

Pwede bang ako nalang
Ako nalang ulit? 
Yung lagi mong hinahagkan
Halikan na walang katapusan

Pwede bang ako nalang
Ako nalang ulit? 
Yung nagpapasaya sayo
Yung laging karamay mo

Pwede bang ako nalang
Ako nalang ulit? 
Yung sinasabi mong magiging ina
Ng mga anak mong makukulit

Pwede bang ako nalang 
Ako nalang ulit? 
Pwede bang buhayin muli
Yung pagmamahal mo sakin

Ngunit huli na

Ang lahat nang to

Di na pwede 'yon

Alisin na ang ilusyon

Dahil may kayo na

At ako nalang

Ako nalang ulit

Painting

In the mirror

by Nelina Trubach-Moshnikova