PUSONG BIGO
By Kayecee Fe Casem
Sa mga lumipas na araw hindi na kita lubos makilala
Tila ba'y ang daloy ng hangin ay biglang nag-iba
Hindi ka naman ganyan sa umpisa
Sa akin ba ay napagod at nagsawa ka na?
Hindi mo man lang ba napansin?
Na ako'y nasasktan rin
Pinipilit mo nalang akong mahalin
Kahit na ayw na talaga ng iyong damdamin
Kapag tumigil ang tibok ng pusong bigo
Subukan ko mang ibigin ka ay hindi ko narin kaya
Bakit kasi sinaktan mo ang puso kong nagmamahal sa iyo
Ang pag-ibig na binibigay ko ngayon ay nawala na
Sabihin na natin na ang puso mo'y nanlamig na parang yelo
Kasing tigas na nang bato pakiramdam mo'y naglaho
Lahat nalang siguro ay ginawa mong biro
Kailan kaa ba titino? Kailan ka magseseryoso?
Ang puso kong bigo ay tumitibok pa rin
Kaya pa, kaya pa kitang mahalin
Kaya pa kitang patawarin
Kaya pa ng durog kong puso na parang basag na salamin
Photo
"Birdsong"
By Bojan Jevtic