HANGGANG SANA
By Kayecee Fe Casem
"Tayo"
Isang salita na may apat na letra
Ang salitang imposible kong Makuha
Sa iyo ang Tayo
Kahit Isang segundo o limang minuto
Sana may Tayo
Ikaw at ako
Ang bubuo sa salitang Tayo
Sana ako'y pagbigyan
Kahit saglit lang na kaligayahan
Walang halong kalungkutan
Dapat tayo ay nagmamahalan
Walang kasamang biro
Dapat tayo'y magpakatotoo
Ang pag-ibig ay hindi laro
Dapat parang pag-araal sineseryoso
Babangon ako sa umaga
Upang muling umasa
Sa aking panaginip gabi-gabi
Sana ay may tayo kahit sandali
Kasi tao lang naman ako
Napapagod din kahit papaano
Umaasang balang araw may tayo
Umaasang sa huli may ikaw at ako
Kulang pa ba ang pagmamahal na naibigay ko?
Hindi pa ba ako sapat sa iyo?
Pagod na akong manghula kung ano ang totoo
Pero kailan man hindi ako sumuko
Dahil kung talagang mahal mo ako
Ipakita mo
"Tayo"
Isang salita na may apat na letra
Ang salitang hanggang sana.
Photo
"Slipper Orchid (Original or 5 Limited Edition Prints)"
By Karan Katoch