Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Ang Tanong na Tinuldukan



ANG TANONG NA TINULDUKAN
By Kayecee Fe Casem

Bakit ka nga ba iniwan?
Bakit ka nga ba binitawan?
Bakit ka nga ba pinakawalan?
Bakit ka nga ba nasasaktan?

Bakit ka nga ba pinahalagahan?
Kung sa huli ikaw rin pala ang maiiwan...
Bakit ka naniwala sa isang pagmamahalan?
Kung sa dulo ikaw rin ang bibitwan...

Bakit ka nga ba kumapit sa inyong pag-iibigan?
Kung ikaw mismo ang pinakawalan...
Bakit nga ba lubos kang nasaktan?
Kasi lahat ginawa mong makatotohanan...

Bakit hanggang ngatin nakakapit ka?
Sa mga salitang ginamit niya
Upang makuha ang iyong tiwala
Para maakit at mabihag ka

Mahal ka niya kasi mahalaga ka
Hindi ka calculator na ilalabas lang kapag ang asignatura niyo'y matematika
Hindi ka papel na kapag naiwan ay saka lang maaalala
Hindi ka 1/4 para ipamigay ka sa iba
Na sa huli wala ng natira dahil naubusan ka na

Iyan ba ang nais mo sa mundo?
Ang maging mahalaga sa buhay ng ibang tao?
Ngayon tanungin mo ang sarili mo
Kung ano naman ang iyong gusto

Ang gumugulo sa iyong isipan
Ngayon nahanap na ang kasagutan
Nailawan ang kadiliman
Ang tanong na Tinuldukan

Photo
"Emily and the White Horse (small) - Limited Edition #2 of 8"
By Vikram Kushwah