Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Oo, Mahal Kita



OO, MAHAL KITA!
By Kayecee Fe Casem

Simula noong una tayong nagkakilala
Sa mga panahong tumagal ang ating pagsasama
Kung saan lagi kitang binibisita
Kung saan lagi kitang sinasabihan ng "Mahal Kita"

Araw-araw kong pinapadama na mahal kita ng sobra
Sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog ay binabati kita
Magandang Umaga, Magandang Tanghali, Magandang Gabi sinta
Tinatanong kung kumain ka na ba? O kaya'y kamusta ka na?

Lagi kong pinapadama sa iyo
Pero ang tingin mo lahat ay isang biro
Kung saan ako seryoso
Doon naman ako naloloko

Hindi bale ng masaktan mo ako
Ayos lang sa akin kahit masakit na masyado
Kahit tingin na nila sa akin ay bobo
Basta pinaparamdam ko sa iyong mahal kita ng totoo

Wala akong mapapala kung lagi akong aasa
Inaamin ko nagmumukha na akong tanga
Tanggapin na natin na ayaw mo ako talaga
Pero Bakit ganon mahal parin kita

Asong naghahabol iyan ang laging dada nila
Mga letra at salitang aking bunabalewala
Binihag ko ang sarili ko sa isang selda
Dahil para sa iyo at wala akong kwenta

Kahit malalim ang sugat na iniwan mo, Mahal kita
Kahit madami nang luha sa aking mga mata
Mahal Kita. Kahit ipagpalit mo ako sa iba
Kahit ipamigay mo pa ako sa di ko kilala, Ikaw pa rin kasi Mahal kita

Photo
"Transition"
By Michael Papadik