Ikaw ba o Ikaw na?
by Leonardo Romero Jr.
Ikaw ba ang taong matagal ko nang hinahanap
O ikaw na ang isa sa aking mga pangarap
Ikaw ba ang magbabalik sa aking mga ngiti
O ikaw na ang aking magiging huli
Ikaw ba ang sagot sa aking mga dasal
O ikaw na ang bigay saakin ng Maykapal
Ikaw ba ang magtatama sa aking mga maling tono
O ikaw na ang nakaukit na litrato sa aking puso
Ikaw ba ang gustong masilayan ng aking mga mata
O ikaw na ang tinatawag nilang "diwata"
Ikaw ba ang pinapangarap ng ibang 'di marunong manakit
O ikaw na ang aking kasama mula pagmulat hanggang pagpikit
Ikaw ba ang isa sa mga bitwing maririkit
O ikaw na ang magpapadama saakin nang tunay na langit
Ikaw ba ang magbibigay kulay sa madilim kong mundo
O ikaw na ang mananatili't titira sa bakuran ng aking puso
Salamat, ika'y dumating sa aking piling
Araw araw naging maganda ang aking mga gising
Salamat, sa pagpaparamdam ng tunay na saya
Saya, oo saya, na kahit wala kang ginagawa
Dahil tulad ng pag-agos ng mga ilog
Tulad ng mundong di matigil-tigil sa pag-ikot
Tulad ni Haring araw na 'di nangangawit sa pagngiti
Asahan mo, lagi akong mananatali sa iyong tabi.
Digitan Painting
by @recyclebea
0 Comments